Saturday, March 23, 2013

Tungkol sa'kin

AKO...

Ako nga pala si Jessica.
Ma. Jessica Occena Salinga.

Katulad lang din ng karamihan....

Simple... depende sa sitwasyon
Maarte.. ayaw ko lang ng IPIS, LUMOT at PUTIK. di ko alam kung kasali pa rin yun sa kategorya ng pagka Maarte
TAHIMIK.. depende rin sa mga kasama ko, at kung saan lugar ako na'ron.

Mahilig magisip, magbasa, manood, kumain, matulog, mag gala, magtanong, maglakbay, mag(window)shopping,magmake up, magayos ng buhok.. at mahilig rin akong mangarap...


Oo, mahilig din ako mangarap,  mangarap ng mga bagay na mala Fairy Tale yung datingan, yung tipong, kunyare isa kong Prinsesa, tapos... sa kalagitnaan ng pangangarap, biglang magiiba ng karakter, Artista nalang pala. haha

Hindi ko lang nakahiligan, yung pagpapayaman, oo pinapangarap ko, pangarap nating lahat yon e, pero yung magpapakamatay na ko sa pagtatrabaho, HINDI TALAGA EH.

Meron nga kasing kasabihan ang Papa ko. "Work Smart!", hindi mo kelangan magpakamatay kakatrabaho, maging matalino ka sa kung anong ginagawa mo!.

Alam ko, walang point 'tong blog ko. haha. Palipas oras lang. nakasanayan na rin eh,

Frustrated writer? kwento ko nalang sa pagong. haha